TIPS PARA SA MASAYANG BUHAY

April 1st, 2006 by ydlaz23

this is really nice..i just repost it n do some comments…so enjoy…

The guy who loves his mom will be a good boyfriend.
Why? Because if he has high respect or his mother, he
will have high respect for women.
(Asus…)

Don’t give everything away. Leave some things a
mystery. Guys love conquest.  If you already give your
all, wala nang "something to look forward to" sa
relationship n’yo. And the guy will become kampante.
Assure him of your love and faithfulness, but warn him
too: "Umayos ka diyan! You can lose me anytime…"

(lalo n if masyado kang maganda for him!)

BIG PAGKAKAIBA: What a girl needs most is love. What a
guy needs most is respect. The most important thing
for a girl is her heart.  For a guy
its his ego. ( ego-hin mo kayang mukha mo!)

Give your man his own time and space( makipag braek k n lang). Let him have his time for his friends ( mga B.I yan), sports( may kasamang gurls yan), family, self, and God.
The relationship will grow old quickly
if lagi kayong magkasama. Give him time to miss you
and you’ll see how he will love you more If the guy
naman is obsessed and just wants to be with you all
the time, tell him you cant respect a "puppy" for
long.

Do things differently anytime para kahit matagal na
kayo, there is always something fresh and new. Variety
is the spice of life. Exciting baga.(isakay mo sa roller coaster sabay tulak..un exciting…)

"Making love" is better than just "having sex". And
true love "waits". Save your precious "gift" on your
wedding night. Di nagiging tama ang mali, just because
uso naman and everyone’s doing it. Be iba. ( UNG GUILTY ITAAS ANG KAMAY!bwahahahahaha..amininnnnnnn)

Discover something you both like to do( like staying away from each other…) and enjoy it TWO-gether. Doon naman sa mga bagay na magkaiba ang
hilig n’yo, compliment each other by learning about it
kahit konti. If you love someone, ‘yung effort n’yo to
try will go a looooong way to understanding him later pag may
disagreement kayo.

Pray with holding hands. Sounds corny, no? Maybe, but
its very powerful. Pag may takot sa Diyos ang
boyfriend ,mo, kampante ka na di ka n’ya lolokohin,
because he knows God sees everything he does in
secret. Ikaw na ang magkusa that before you part after date, with hold
hands and eyes closed, pray to God to bless you two.
Believe me it’s effective. Kailanman, di corny ang
magdasal. ( 1 WORD!  CORRECT!!!)

Never think "mababago ko s’ya pag kami na…" Only God
can change a person, and only if that person wants to.
(2 WORDS…CORRECT ULIT!!)

Believe in "Magic". Kahit di minsan practical o walang
logical na dahilan, o matrabaho, o sounds crazy sa
iba, do sweet little things for the one
you love kahit magmukha ka nang timang. The memories
will be fun to recall later in life. The corniest song
o gift o letter (aminin mo) ang laging kabog!( kilig ako nyan..)

True love brings out the best in each other. Find
something good in your boyfriend and nurture it,
encourage it, and syempre, ENJOY it.  (YEAH RIGHT ENJOY IT )It’s healthy to fight. Doon n’yo lang maaayos ang
differences n’yo at nate-test ang tatag ng
relationship. Doon mo rin sya makikilala ng
mabuti. It’s called test of fire. Di mahalaga how
dalas you fight. What matters is how often you make
bati. Mas nakakatakot yung relasyong sobrang perfect
at laging masaya. One big fight and that’s it! And di
ba mas kilig ‘yung malambing na "Uy, bati na tayo…"

But don’t overdo it. Kakapagod naman din na lagi na
lang manuyo o magsori. Choose the battles na papatulan
mo. The little issues, palampasin na.
Don’t sweat the small stuff.

Daraan sa iba’t ibang stages ang love especially pag
matagal na kayo. Grow with it. Don’t expect him to be
like nu’ng una ‘coz like a student, di na ituturo sa
Grade 6 ‘yung lessons na pang-Grade 2. Change WILL
happen… you both will change and your love WILL
change, too. It’s up to you na lang
if the change will be for the better or for the worse.
Life is about growth. Grow with it.

When breakup comes and it’s time to say goodbye, don’t
doubt the love just because it didn’t last( hindi lang tlg kau pede..). May mga
bagay sa buhay na di man nagtatagal, it doesn’t mean
di na ito totoo. Some good things are just never meant
to last forever. Okay lang ‘yon. Bless the parting and move
on. (Mastery…tapos iyak ka…)

Expect tears, sorrow, sleepless nights, and pain (been there… done that!!). ‘Ika
nga, "it’s when you hurt the worse that you love the
MOST." Kung di ka willing masaktan, wag ka na lang
magmahal. (uu nga..kung ayaw mo magmahal…ano p silbi mo sa mundo)

Life is a balance, and love is both holding on and
letting go. Know when to fight for your man and when
to let him go( pano nga ba???)
. God will guide you kung anong dapat
gawin sa kung anong sitwasyon. So dapat mataas ang
signal ng langit sa cellfone ng puso mo to know His wisdom. (Sana mabasa mo ito… oo, ikaw…)

Do things right. Di totoong masarap ang bawal gaya ng
sabi ng iba. Kasi may kabayaran ‘yon later. Corny ang
madali. Paghirapan mong gawin ang tama at totoo, and
one day, ikaw rin ang aani ng bunga nito.

Honesty is the best policy. ‘ika nga ni Jimmy Santos.
Pero laging nasa timing at paraan ng pagsasabi ang
technique. Pag malumanay mong
sasabihin sa ‘kin na ipagpapalit mo na ako sa iba o
papatayin mo na ko sa sobrang gigil, Gosh! mato-touch pa ako! May lambing e!

Don’t NAG. Sabi ng don’t nag e! Sabi ko don’t nag,
don’t nag, don’t naaaaaaggg!!!

‘Yung effort, sa kahit anong gawain o effort mo ay
laging two billion ganda/pogi points ‘yan. Do little
surprises every now and then PARA SO HAPPY
TWO-GETHER!

if i could

March 1st, 2006 by ydlaz23

If i could i’d protect you from the sadness in your eyes…
give you courage in a world of compromise..yes i would…

if i could.. i would teach you all the things i never learned
and i’ll help you cross the bridges that i burned..yes i would

if i could.. i would try to shield your innocence from time..
but the part of life i gave you isn’t mine..
i watch you grow so i can let you go

if i could..i will help you make it through the hungry years
but i know that i can never cry your tears..
but i would …if i could…

if i live in a time and place where you don’t wanna be
you dont have to walk along this road with me
my yesterdays don’t have to be your ways

if i knew.. how to try to change the world i brought you to
but there isn’t any much more that i can do..but i would if i could
you know i would.. if i could……

i love u geng and junboy..so much

It Shouldn’t Really Matter

March 1st, 2006 by ydlaz23

Teka, seryus ako…

Sa tanda kong ito, dapat matibay-tibay na ang self-confidence ko. Kumbaga, may marinig man akong kahit na anong sabihin na hindi maganda tungkol sa akin, wala na akong pakialam kasi kilala ko na naman ang sarili ko. Actually, nagagawa ko naman ito. Kasi nga, what matters more eh kung ano ang sasabihin ng pamilya ko o ni Zaldy o ng mga piling respetadong mga kaibigan - at ng sarili ko.

Pero, once in a while, naloloka pa rin ako kasi may maririnig ako na biglang-bigla, masasaktan ako. And you know what bothers me aside from the fact na hindi ako makapaniwalang nangyari yun? It’s the fact na kinakagat ko ang dila kong magsalita pabalik para magising-gising sila.

Bakit ko pinipigil? Because I would say something about where it hurts the most to them. At hindi ko magawang manliit sila dahil dun. (Plus, hindi ko magugustuhan ang sarili ko pagkatapos kong sabihin yun) Kasi siguro lumaki akong hindi nangmamata o nagtatawa sa tao tungkol sa kabuhayan nila, saan at paano sila namumuhay, ang pinag-aralan nila, ang kaanyuan nila. Off-limits yun na maging basis ng pakikipag-kaibigan. Kasi alam ko, hindi naman ako galing sa mayamang pamilya din, nakaranas din kami ng hirap, ordinaryo lang naman ang mga eskwelahang pinasukan ko, ordinaryo lang din ang mga gamit namin. Kaya wala akong karapatang matahin o pagtawanan ang kahit na anong kaya lang ng kaibigan ko.

Hindi ako santa. Salbahe din akong tao. May mga exceptions to the rule ako. Minsan nanunuya din ako pero kumporme sa tao. Kumbaga, piling-piling mga tao yun na ginanun ko. Hindi ako madalas magkaroon ng mga nakakasalamuhang ganun - pero nagkakaroon. Hindi man tama ang ginagawa ko. Pero yun nga, hindi naman kasi ako santa.

Pero kung kaibigan kong tinuring, anumang pinansyal o pisikal na makakaya lang nya, hindi ko minamata o pinagtatawanan, ni hindi pinag-uusapan. Kaibigan ko sya. Hindi importante sa akin yun. Ang mas importante sa akin, kaibigan rin ba nya ako? Tanggap din ba nya lahat ng ako at makakatulog ba akong mag-isip na kahit wala ako sa paligid nya, respetado nya ang lahat ng ako?

Kaya eto ako, habang naliligo o nag-iisa, mistulang kahit para akong si Ate Vi o si Ate Shawie na inuulit-ulit sa sarli ko ang pwede kong i-dialogue, hindi ko pa rin masasabi sa tutuong buhay. Hahayaan ko na lang na unti-unti mawala ito sa isip ko.

Pero hindi ko alam kung mababalik ko pa ang karinyo, respeto at pagtitiwala ko sa mga taong ganito…

Parang kayo pero hindi

December 11th, 2005 by ydlaz23

  i had this kind of relationship before. talagang, sobra-sobrang emotional investment for me. and to think, this went for a while …. bakit hindi kami? kasi may asawa sya… at may boyfriend ako and yun nga, yung feeling na asang-asa kang kung maghiwalay sila, kayo na. hindi pa rin nangyari yun. umasa pa din ako ang tagal bago ako ko sinabi ito na ito. ala na.

may regrets ba ako? konti… he was everything i ever wanted in a guy ,edukado, may promise of a budding career, matalino,there’s this special bond between us i cant explain i cant find the right words to describe what ever is it,he brings out the best in me , may itsura din naman… in other words, fafa-material talaga. pero kung hindi ata ukol, hindi bubukol. so ayun… hindi rin talaga pwede.

pero yung sense of security and the knowledge na mahal na mahal ako at tatagal ung relationship na un sa taong ito walang assurance dun . kasi nga, kahit na sabihin nyang i’m someone special for him at he can tell me things na hindi nya masabi sa isa meron pang.. " you’ll always be my girl Ana" (he calls me ana)  feeling ko minsan, it wasnt enough.   kapag naiisip ko na magkasama sila ng family  nya, hindi ako makapagtrabaho, hindi ako makakain ng mabuti, panay ang iyak ko - nagsusuka ako talaga.

it was one of the darkest memories of my life…

Asan na siya ngayon? ayun manager na ng isang kumpanya,tapos may sarili na ding negosyo, may 2 anak na…   

Masakit?? Medyo.. pero alam ko, mas fulfilling na for me, emotionally na tanggapin ko na na ganito na tlg,you cant have it all di ba? pero madalas ko pa din sya naiisip..ano na kaya ginagawa nya, ano kaya suot nya? ano na kaya car nya? ano kaya lunch nya kanina?

Kayo? May naging ganito din ba kayong relationship?

ganito ko gusto ikwento un dati…

She is a 21-year old purchaser. He is a manager in one of the companies she’s dealing with She really thought this guy is different…and she knows she loved him first . They met and became lovers in secret. The relationship was on and off , but remained to be "friends" and lovers …pero palagi… if they meet in any circumstances parang may magic and they click instantly parang di matagl since last sila nagkita, there they are finding peace in each others arms.   They send sweet text messages.They still date.  It is obvious that they still love each other but when asked about their situation, she doesn’t know the real score. Even her friends are in the dark. "Parang sila, pero hindi."

He said "I love you" and she’ll find comfort…But one thing she is sure of is her feelings for him. She likes him. And she’s assuming that with what he’s doing to her and with her, he likes her, too. There’s just some hitch: he is married and im committed with someone else.

"We don’t talk about it but it doesn’t really matter," she’d tell her friends. "What’s important is I am enjoying this — whatever it is."

ako sigurado ako mahal ko ung taong un..pag kausap ko sya i feel butterflies in my stomach ..nanlalamig ako promise! he is causing so much emotions sa kin..excitement, galak , lungkot…parang roller coaster of emotions

The "parang kayo, pero hindi" stage. Others call it MU or mutual
understanding. Pseudo-relationships. Pseudo-boyfriends. Flings. Almost like a relationship, but not quite. It is a phase where the persons involved are more than friends, but not quite lovers.

Puwedeng may verbal agreement, puwedeng wala. One or both of you may have admitted your feelings, possible ding hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo mag-dyowa. Pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi.

This kind of "relationship" can happen at different stages for different reasons. It can happen after a break-up. You still love each other, and you want to be with each other but you broke up for a reason. A nd for reasons that you alone know, ayaw niyo na muna magkabalikan.

It can also happen before a relationship, iyong pareho kayong nakikiramdam. Possible din na ayaw niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna.Testing lang.

Puwede ring hindi puwedeng maging kayo kasi isa sa inyo –usually the guy –may ka-relasyon na ( sacase ko pareho kame) . Kaya habang hindi pa siya nakikipag-break doon sa girl (sabi niya makikipag-break siya soon pero di naman niya ginagawa), wala muna kayong relasyon para nga naman hindi siya nangagaliwa kasi "hindi naman kayo."

This pseudo-relationship stage, for a time, can be fun. Lalo na kung
naghahanap ka lang naman ng "kalaro."

Pero huwag ka lang mag-e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan.

So bakit ang daming nagse-settle sa ganitong set up ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan?

Iba’t ibang dahilan. Puwedeng for fun lang. Puwedeng "buti na iyan kesa wala" or puwede na iyang "pantawid-gutom." Meaning, habang wala pa iyong the real thing, doon muna sa kunwa-kunwarian.

For those who are not in a serious relationship, they would think that pseudo-relationship is better than no relationship at all. It would be fun, if all you are after for is that "kilig" feeling.

Aminado naman ako na once upon a time, may mga pseudo-relationships din ako. No commitments involved. For the simplest reason that they couldn’t commit, because they were either committed to someone else, or that they weren’t ready to commit. My rationalization, "okay na iyun, kesa wala."

Ang habol ko lang naman, iyong kilig feeling. Iyong merong nagtatanong kung kumusta araw ko. Iyong merong ka-cuddle sa beach outing. Iyong kapag tumunog ang cellphone, mapapangiti na ako dahil alam kong galing sa kanya ang message. Iyong merong laging kasama. Habang wala pa ang the real thing, puwede na itong pagtiyagaan.

But then I learned that although it was only a pseudo-relationship, the emotions were real. And usually, in this kind of set up, ang babae lagi ang lugi.

Una, you can’t ask him to commit. Since it’s not really a relationship, you can’t demand commitment from your partner. Ano ba kayo? May K ka nga ba magpasundo ng hatinggabi? You will always be uncertain about your role in his life. You can’t expect him to be always there with you. And if you feel jealous of the other girls, you just have to keep it to yourself. Ano ka ba niya para magselos?

Pangalawa, what if you fall deeply in love with him? You can’t be sure if he feels the same way. Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya. Even if you are dying to tell him you love him, you can’t. Because you’re not sure if he’ll like it. Baka mapahiya ka lang. This stage will always make you wonder where you are in the relationship. Or if there is a relationship at all.

Pangatlo, what if you become attached too much? What if you have invested all your emotions and this man hasn’t? What if you remain faithful to him, not entertaining other guys, only to find out that he is seeing other girls?

Isa pang downside ng pseudo-relationships, it is fleeting. When a
disagreement sets in, or when one of you gets cold, then that would be the end of it. Unlike in a serious relationship, hindimo alam kung saan ka lulugar sa isang pseudo-relationship. Wala kang pinanghahawakan. Kasi sa pseudo-relationship, there is no "us." Meron lang "you and me," hindi "us."

Buti sana kung pseudo-pain din lang ang mararanasan mo. Kaso, hindi eh. Real pain. And usually, kahit tapos na ang pseudo-relationship, hindi mo maiwasan umasang one day, may karugtong pa rin iyun. And you will be miserable, hoping to bring back what you used to have, only to find out eventually that the guy is in another pseudo-relationship with somebody else.

Ang hirap, ano? You agreed to this kind of set up for fun and then you’d end up hurting yourself in the process.

Pero puwede naman maiwasan ang pain eh. Puwede naman na hindi mo muna isipin ang future and just enjoy the feeling, without thinking of the consequences.

But if you are certain that you are going to hurt yourself in the process, kailangan mo mamili. You can be happy and live the moment without worrying what would happen next. Or you can stop settling with pseudo-relationships and wait for the real thing.

When I was younger and in a pseudo-relationship with an unavailable guy, a friend told me, "Sige, kung ayaw mong magpapigil, bahala ka. Magpakasaya ka. Pero huwag kang iiyak-iyak pagkatapos, dahil tatadyakan kita."

Ang bottom line lang naman, kung magpapasaya sa iyo, gawin mo. Ihanda mo lang ang sarili mo sa consequence. Dahil ang "parang kayo pero hindi" stage ay bihirang nagiging totoo. Usually, hanggang doon lang siya … almost, but not quite.

nakakayamot

September 30th, 2005 by ydlaz23

Ikanga nila, may mga bagay sa araw-araw mong buhay na hindi mo ine-expect eh biglang mangyayari na kayayamutan mo. Wala ka namang kasalan sa mga nangyayari, nangyayari lang sila talaga. Minsan sa sobrang yamot gusto mong mag-dramang ala-Ate Vi sa sabihing "Way, Gad?? Way Me??? Bhakit Akoh Paahhhh????" (O, OA ka naman, wag naman) Ako pa naman, yamutin akong tao. Sabi nga ng nanay  ko akala mo raw ako eh laging mataas ang presyon ng dugo. Eh kayo ba naman, hindi kaya kayo mayamot din sa mga sumusunod?

1. Nasugatan ka sa dila habang dinidilaan mo yung selyo? (arayyyy….)
2. Biglang naghang ang computer mo habang gumagawa ka ng report at hindi mo man lang sya na-save O na-discon ka sa internet habang gumagawa ka ng mahabang e-mail? (AHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!)
3. Ang ganda-ganda ng upo mo sa trono sa banyo, nag-ring ang telepono, nagkakandakumahog kang sagutin at ang maririnig mo lang sa kabilang dulo eh "Good morning, survey lang po"?
4. (Speaking of banyo), Nalaman mong ubos na ang toilet paper pagkatapos mong gumawa ng "milagro" sa trono?
5. Hirap na hirap kang gumising ng maaga pag may pasok ka, pero t’wing off mo alas sais pa lang ng umaga gising ka na?
6. Kapag may naisip kang salita at hindi mo maisip-isip kung ano yung salitang yon??? (Nasa dulo na ng dila ko…. tingnan mo nga)
7. (Last Song Syndrome?) Nakarinig ka ng kanta sa radyo o TV at buong araw mong inuulit-ulit yung kaisa-isang linya ng kanta na yon dahil yun lang ang alam mo?("By Mennen…")
8. May gusto kang kainin pero hindi mo malaman kung ano yon?
9. Hanap ka ng hanap sa bago mong biling blouse tapos makikita mong suot ng kapatid mo at nirampa na nya sa mall?
10. Na-Low-bat ang cell mo habang nag-hihintay ka ng importanteng tawag o text at hindi ka makapag-recharge ng baterya kahit saan?
11. Nakita mong butas ang kagagamit nyo lang ng dyowa mo na condom? (Di ka lang mayamot, matakot ka pa!)

Nakakatawa? Hintayin mong mangyari ang mga yan sa iyo at dun masusubok ang pasensya at sense of humor mo. (Hmmm…. Subagay… o sige na nga, nakakatawa naman siya talaga!) Kanya-kanyang kayamutan daw yan. Yung nakakayamot para sa’yo pwedeng dead-ma sa iba. Yung no reaction sa’yo, over-to-the-max naman na reaction ang binibigay sa katabi mo. .

Kayo, kelan tumataas ang high blood nyo?

kilala mo ba si neil diamond

September 23rd, 2005 by ydlaz23

September 22,2005 GM Place, Vancouver… matapos kaming nahilo kaiikot kahahanap ng parking e nakarating din kame, ang daming tao promise di ko akalaing madami palang fans itong si lolo Neil Diamond.

Ate Lily phoned me one day ( actually kausap ko sya everyday)sabi nya kung kilala ko daw ba si Neil Diamond? at ung mga kanta nya, so sabi ko "HINDI PO" then sabi nya " manonood tayo ng concert nya may ticket tayo, $138!"  ang mahal ! pero dahil kay kagandahang Janice na mama ni cute na cute na roy na kapatid ni sweet na joycee na wifie ni papa jayson ay nalibre ung $138 ~ (salamat sa connection)

Grabe ang hiyawan ng mga Canadian when the lolo started singing na, everybody was standing at applauding ,  singing and dancing kahit ung iba  wala sa tyempo sige pa din ang dance nila , madalas  nga mas pinapanood ko ung mga taong nagsasayaw and how they respond to Neil Diamond aaminin ko sa 2 oras na concert nya 3 lang ang familiar sa akin, i really like the song " You dont bring me flowers," at sige na nga nakisayaw at nakikanta din ako when he perform " Sweet Caroline." Ano nga ba ung pangatlo????? Anyways, the concert was good at tyak sa nakita kong passion ng mga fans na nadoon e nasatisfy sila…at aaminin kong ako din i enjoy every minute of it.

   

why i’m doing this

September 17th, 2005 by ydlaz23

Img_18121 accepting the fact that i have to be under this " caregiver program" for 24 months is not that easy.. but there is one main reason why i have to do this, i have my reasons why kailangan kong matulog sa  Queen size bed mag-isa, kumain ng potato instead of rice, maglunch ng tinapay instead of rice, and snack dito PRUTAS! pagdating ng gabi i cant reklamo i have a big room with my own banyo may bath tub po ito ( bongga di ba) makatulog  kapiling ang aking channel changer,potato chips, chocolates, pop… yapos ang unan ang nakadagan lang sa kin ay ang mabigat  pero warm na comforter…

madalas, basa nag unan ko kasi nabuhusan ko  ng softdrink he he he… syempre naiyak din namn ako, naiisip ko kasi madalas why i am here and what is my reason why i have to do this…Its my boys, Miguel Angelo and Joseph Luis.. kung kami lang ni ZLd ok na kame sa Pinas, pero iba pala pag may anak ka na, lahat ng ito para sa kanila. Mahirap iwan ang mga anak sa Pinas, Ok lang iwan ang asawa makakagawa sya ng paraan para maaliw ( believe me alam ko!! ha ha ha) pero yung mga anak ko naiisip ko madalas ok kaya sila ? nabibigay kaya ung needs nila? pano kung kailangan nila ng yapos ni mommy? ng himas ng kamay ni mommy? ng palo ?ng tagapagtanggol? taga away sa klasmate na ng bubully, taga sita sa titser dahil mali ang computation ng grade at taga sugod sa principal  pag mean ang teacher sa school,  may gumagawa kaya non for them ?

pero wipe the tears na,  we are like 3 months away from our application sana mapabilis ang process ( paging Canadian Embassy sa Pinas) I can’t really believe na sandali na lang makaksama ko na sila… baka himatayin ako sa airport pag dating nila.

geng and junboy, sabi ko diba sandali lang , kita nyo o konting tiis na lang mga anak at mayayapos ko na kayo, mababantayin sa pagtulog, mahahalikan, mabubulungan sa tenga while you are sleeping, masusubuan, malalaro ( may snow dito!!!) , makwekwentuhan, mapapalo????, mahahawakan ko ulit ang mga kamay nyo ng mahigpit and i’ll tell you mommy wont let leave you again. i love you so much mga anak.

ano amo mo?

September 17th, 2005 by ydlaz23

December 9,2003, 4:30pm, madilim na lumapag ang PR 106 sa Vancouver International Airport..wow high tech kasi naman its one of the most beautiful airport sa earth…. eto ako tulak tulak ang 2 kahong ang laman ay padala ng mga taong di ko kilala (friends ni byenan ) napansin ko bakit ang daming Intsik Vancouver ba ito o China…..

Late ang sundo ko maaga kasi dumating ang Philippine Airlines ( Himala na ba ito???) hindi..wala lang traffic sa ere…. at dumating si byenan, paglabas ko ng airport takbo ako pabalik sa loob ang lamig kasi centralized aircon buong bansa ….

then.. its almost two years na… going back aaminin ko mejo naculture shock ako or mas aaminin ko di ko inakalang ganito pala ang role nagagampanan ko..walng naghanda sa kin ( o nagbanta kaya) … when i started meeting Pinoy’s here na katulad kong "Caregiver" they asked me  " ano amo mo ? " lumilingon pa ko sa likod ko akala ko ung nasa likod ko ang tinatanong nya pero ako tlg e.. did she just asked me sino "amo" ko? I m hurt..hu hu hu "amo" ano ako alipin!!!! pero alam ko its just me putting a different meaning sa word na "amo" gusto ko sana itanong nya sinong " employer" para namn mejo sosyal pero un ang masakit na katotohanan… kailangan kong mag-alaga ng bata, maglinis ng bahay, ng buong bahay, magload ng labahin, magtupi ng mga damit, magluto, (  MAGLUTO!!!! well so far buhay pa namn ang mga pinagluluto ko) ipasyal ang mga alaga, mag english forever, pag galit ako tinatagalog ko na tong mga alaga ko!  at makichika sa mga katulad kong " Nanny" (caregiver )…. makinig sa mga kwentong may drama, religion, pulitika, artista, pera ,papa at mama.

pagdating ng gabi pagkatapos ang nakakapagod na gawain, may kunswelo ka namn meron kang walng katapusan na kisses and hugs mula sa mga cute na batang ito na sa kakyutan e akala mo lumabas mula sa baby books .